Banque Du Sang, Snow Sucks
Sunday, January 29th, 2006Hay ang hirap mag-type! Hindi pa rin ako sanay sa keyboard. Sa pinas na ako mag-uupdate ng mas detalyado. Namimiss ko nang mag-tagalog. Pangalawang araw ko na dito sa clermont at bagamat napakasarap manuod ng mga short film ay naduduling na ako sa dami nila. I`ve been watching an average of 5 programs a day. Each program is 2 hours so parang 10 hours of films ang pinapanood ko ng isang araw. Actually na-realize ko na kaya palang manood isang 10 hour film ang kahit na sinong tao, hindi lang mga fans ni lav diaz. So heto, blog blog muna para hindi ako maumay.
Nakakatuwa ang mga pranses kahit papaano. Lahat ng screenings blockbuster. 10 minutes before some programs di na nagpapapasok dahil di na kasya sa mga theaters. At dapat mega pila ka at least 30 minutes before. To think na puro short films ang palabas mula sa mga bansang banyaga na di nila kilala or alam kung anung ieexpect nila. May separate screen (big enough to fit 2 lines of text) para ssa subtitles kaya ok ang sizing. Lahat ng shorts pinapalakpakan at the end.
Bad news lang may tama ang material ko na sobrang jarring. eawan ko ba, na-preview ko naman at maayos sya dati. Ang nakakainis pa dito, blood bank lang ang may tama so far sa lahat ng shorts na napanood ko. Nakakahiya.
Di ko na napost lahat ng posters ko. Wala nang space. Di ko rin napamigay lahat ng postcards ko kasi ampapanget ng pagka print at kulang sa info. Grrr.
Ise-save ko na sa mas mahabang blog entry ang dilemma ko sa snow. Basta isa siyang nakakabwisit na bagay. Or naiinis lang ako sa katangahan ko dahil hindi waterproof ang mga dala kong sapatos.
Pero like what i said, saka na lang ako mag-rarant.
Contrary to what most may think, wala talagang nitelife dito. 1:30am pa lang, last order na. Siguro kasi lunchtime pa lang tumitira na ng wine o beer ang mga utaw kaya hindi na "gimik" ang pagpapakalasing hanggang madaling araw.
Next blog entry na rin ang aking tragic na pagligaw ko sa maginaw na lugar na ito. Ideally 5-10 minute walk lang mula sa main venue pabalik ng hotel. Pero dahil napakatanga ko sa directions at wala akong visio-spatial skills, nawala ako at more than 1 hour na paikot ikot. Hindi masaya maglakad sa yelo ng isang oras (kaya siguro galit ako sa snow)…. Hindi naman ako nahihiya magtanong, pero parang eksena sa Lost in Translation ang drama…. Buti na lang, may dumating na "anghel". Yung tipong anghel sa City of Angels o Wings of Desire with the ubiquitous black trench coat? Yung tipong fair haired, clean shaven, clean cut at… next blog entry na lang yung whole kwento… Basta ang masasabi ko lang, siya pa lang sa lahat pranses na naencounter ko, women included, ang mabango… kaya feeling ko hindi siya totoo.
o siya, nagugutom na ako. miss ko na ang sinangag sa umaga. ayoko nang makakita ng bruschette, croissant at jam at butter.
ang dami kong reklamo. alam ko dapat maging greatful ako na nakaranas ako ng ganito. ito siguro ang price for seeing people read your entry sa catalog,people from various nations applauding and lining up to see your film, seeing the screenplay you wrote translated into french. small price nga naman. ano ba yung mawalan ka na ng sensation sa paa at mamanas at maging lit***eral na light blue ang iyong talampakan at daliri sa paa.
bukas uli.

