grrrrr!

Angrygirl ayokong mag-blog! ayoko talaga! bakit ba ako nagsusulat dito ng mga walang katuturang bagay imbes na…

1.) tumawag na ako sa mga hinayupak na customer para naman makabenta at maituring na kapanipakinabang sa kumpanyang ito

2.) mag-research tungkol sa autism at behavioral therapy sa sa gayon maging kapanipakinabang na nanay sa anak ko

3.) mag conserve ng energy ng sa ganoon may laks pa ako at pasensya na i-practice ang mga activities ng therapy ni declan sa bahay ng sa ganoon hindi niya ito nakakalimutan at may evident na improvement na makita sa kanya

4.) simulan ang pagsusulat ng kahit sequence outline man lang ng "pangarap kong full length" nang sa ganoon di siya manatiling pangarap na lang at unti unting maisakatuparan kahit sa ms word document man lang

5.) mag hanap ng mura pero matinong bass o gitara or both nang sa ganoon di na lang kami laging nanghihiram kina bernie ng gamit sa recording at para makapag-practice ng totohanan dahil ang isang banda ay di nabubuo ng puro songwriter lang, kelangan ng kahit onting musician skills

6.)maghanap ng paraan na magkaroon ako ng trabahong hindi depressing at hindi nakaka-supress ng creativity ko pero magsusweldo sa kin ng sapat para magkaroon ng kumportableng buhay kami ni declan at may extra pang pan-intrega kay mama at pang-pursue ng mga personal interests dahil sa totoo lang wala talaga akong talent sa pagbebenta, o account management at wala akong balak na tumanda sa ganitong larangan

7.) mag-suklay, mag-ayos ng sarili, mag-make up at magpaganda baka sakaling may matisod akong patron of the arts at mawala na nang tuluyan sa listahan ng problema ko kung paano magkakaroon ng pera for all of the above at makaka-concentrate na lang ako sa self improvement, paggawa ng mga pelikula at musikang may kabuluhan at maalagaan at ma-improve ang sitwasyon ni declan

siguro yung # 7 malabong mangyari in this lifetime pero attainable naman ang #1-6… kaya tama na hindi na ako magsusulat dito… magla-log out na ko sa friendster at babalik na sa trabaho…

One Response to “grrrrr!”

  1. psychicpants Says:

    Basta ako, aabangan ko ang full-length na iyan.

Leave a Reply